-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono sina Franch President Emmanuel Macron at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagsali ng Finland at Sweden sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Ayon sa Elysee Palace na ipinaliwanag ni Macron kay Erdogan ang kahalagahan ng pagrespeto sa soberanya ng pagpipili ng dalawang bansa.

Isa aniya ito ng resulta ng democratic process na siyang magpapatatag ng seguridad ng kapaligiran.

Magugunitang kinokontra ni Erdogan ang pagsali ng Sweden at Finland sa NATO.