-- Advertisements --

Itinalaga si Blaise Metreweli bilang bagong mamumuno ng M16.

Ito ang unang pagkakataon na nagtalaga ng babaeng lider ng foreign intelligence service’s sa 116 taon mula ng ito ay itaguyod.

Si Metreweli ay sumali sa Secret Intelligence Service noong 1999 at siya ngayon ang pang-18 hepe ng organisasyon.

Papalitan niya si Sir Richard Moore sa huling bahagi ng taon.

Itinuturing na siya ang nasa likod ng teknolohiya at innovation ng serbisyo.

Labis naman siyang natuwa at itinuturing nitong isang karangalan ang mamuno.

Tinawag naman ni British Prime Minister Keir Stermer na isang makasaysayan ang pagkakatalaga kay Metreweli.

Ang M16 ay itinalaga para mangalap ng mga intelligence sa ibang bansa at mapalakas ang seguridad sa United Kingdom.