-- Advertisements --

Magkakaroon ng kakaibang puwesto sa ipapatayong Philippine Olympic Committee Museum sa New Clark City sa Capaz, Tarlac ang namayapang sprint queen ng bansa na si Lydia de Vega.

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na plano nilang maglagay ng lugar sa nasabing museum kung saan makikita ang mga tagumpay ni de Vega.

Sa nasabing paraan aniya ay magiging inspirasyon ito sa mga baguhan atleta.

Si de Vega ay pumanaw noong Agosto 10 dahil sa breast cancer na nakalagak ngayon sa Heritage Park, Taguig.

Nakatakdang ilipat ngayong Lunes sa bayan nito sa Meycauayan, Bulacan kung saan doon na rin ito ililibing.