-- Advertisements --
Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Maynila nitong Huwebes na magkakaroon ng liquor ban simula ngayong weekend bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak ang pagsasagawa ng isang mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.
Inilabas ni Mayor Honey Lacuña-Pangan ang Executive Order No. 34 na nagpapataw ng liquor ban sa Lungsod ng Maynila mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2023.
Batay sa Executive Order No. 34., ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at iba pang mga inuming may alkohol sa Lungsod ng Maynila.
Inatasan na rin ang Manila District Police na mahigpit na ipatupad ang nasabing mga pagbabawal sa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2023.