-- Advertisements --

Pinayuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga transport leader na hikayatin ang kanilang mga miyembro na sumunod sa batas trapiko.

Sinabi ni LTO chief assistant secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na mahalaga ang papel ng mga transport leader sa sumunod ng tama ang mga driver sa batas trapiko.

Isa ito sa naisip na paraan ng LTO para maibsan ang lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Inihalimbawa nito na dapat ang mga pampasaherong driver ang masusunod at hindi ang mga pasahero na bababa at sasakay sa mga nais nilang lugar.