-- Advertisements --
Pinaghandaan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong panahon ng kapaskuhan.
Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, na may mahigpit silang ugnayan sa mga iba’t-ibang ahensiya para maityak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ilan sa mga pinakatutukan nila ay ang pag-iwas sa disgrasya at aksidente na maaring maganap ngayong Holiday season.
Pinayuhan nito ang mga drivers na pagplanuhang mabuti ang mga lakad ng hindi maipit ang mga ito sa trapiko.