-- Advertisements --
drivers license

Naglabas na ng guidelines ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapalawig ng validity ng driver’s license sa gitna ng kakulangan sa mga plastic card.

Sa isang memorandum na inisyu sa mga regional director ng ahensya, pinalawig ni LTO chief Vigor Mendoza II ang validity ng driver’s license na nag-expire noong Abril 3 ngayong taon hanggang Abril 2, 2024 o hangga’t hindi sapat ang pagkakaroon ng mga plastic card, na siyang magiging paksa ng isang hiwalay na memorandum.

Ngunit sa paggawa nito, iginiit ni Mendoza na walang opisina ng LTO ang mangolekta ng mga parusa para sa expired na lisensya na sakop ng memorandum.

Inatasan din niya ang lahat ng LTO regional directors at district office heads na ang system na nabuo ng driver’s license official receipt ay tatatakan o dapat may print ng “Valid as Temporary Driver’s License Until Plastic Card is Released”

Nauna nang sinimulan ng DOTr ang pagbili ng limang milyong piraso ng plastic card na sinabi ni Mendoza na higit pa sa sapat upang matugunam ang backlog sa unang bahagi ng susunod na taong 2p24.

Kaugnag niyan, nasa 100,000 plastic card na ang naihatid ng nanalong bidder na Banner Plasticards ngunit ang produksyon at paghahatid ay nahinto sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order na inilabas ng Quezon City court batay sa kasong isinampa ng Allcards Inc. na natalo sa proseso ng bidding.