-- Advertisements --

Mahigpit na binilinan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade ang mga iba’t-ibang opisina nila sa bansa na maaaring kilalanin ang Philippine Identification (PhilID) card at ang printed ePhilID sa transakyon sa kanilang opisina.

Kasunod ito sa natanggap ng sumbong ni Tugade na may ilang LTO offices sa bansa ang hindi kinikilala ang Phil-ID.

Nakasaad aniya sa kanilang LTO Memorandum Circular 2021-2272 na dapat tanggapin ang PhilID Card o printed ePhilID sa mga aplikante ng kukuha ng kanilang driver’s license, conductor license at sa pagpaparehistro ng kanilang sasakyan.

Binalaan nito ang mga personnel ng ahensiya na may kaakibat na P50,000 na multa sakaling hindi nila kilalanin ang nasabing PhilID.