-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga fare hike petitions na inihain sa kanilang opisina ng mga iba’t-ibang transport group.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, na dumami ang bilang ng mga fare hike petisyon na kanilang natatanggap dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng langis sa bansa.

Paglilinaw nito na hindi sila basta-basta nag-aapruba ng mga taas pasahe dahil ito ay mayroong epekto sa ekonomiya kung saan labis na naapektuhan dito ay ang mga mananakay.

Kinumpirma din nito na mapapalawig pa ang service contracting program ng hanggang ilang buwan dahil sa may inilaan silang pondo para dito.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Energy para sa talakayin ang maaring gawing tulong sa mga drivers at operators sa patuloy na pagtaas na presyo ng gasolina at diesel.