-- Advertisements --
Magbibigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits para makabiyahe sa kanilang ruta ang mga pampasaherong jeep na hindi nakapag-consolidate.
Ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, na ginagawa nila ito kapag walang mga pampasaherong jeep na dumaan.
Kukuha ang mga ito sa ibang mga ruta na kanilang bibigyan ng special permit.
Umabot na sa mahigit 160,000 na mga jeepneys o 81 percent ang nakapag-consolidate na kung saan sa pagtaya ng LTFRB ay sapat na ang mga ito para sa mananakay ng bansa.