-- Advertisements --

Pinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) ang mga aplikante ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na na-reject ang kanilang applications na muling mag-apply at gumamit ng bagong email accounts.

Layunin nito ay upang maikonsiderang bago ang kanilang applications.

Nasa 6,869 slots pa rin ang bukas para sa TNVS- LTFRB.

Ang LTFRB sa ngayon ay nakatanggap na ng mahigit 1,000 aplikasyon para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) mula nang buksan nito ang aplikasyon noong Abril 30.

Ang pagtanggap ng bagong aplikasyon para sa TNVS ay batay sa LTFRB Board Resolution No. 065 s. 2022 kung saan 7,000 TNVS slots ang binuksan sa Metro Manila; 200 sa Cemtral Luzon; 500 sa Bicol Region at 150 sa Western Visayas.

Sa kasalukuyan, sinabi ng LTFRB na mayroong 922 na aplikante mula sa Metro Manila, 68 sa Central Luzon at 11 sa Bacolod City.

Mayroong 26,301 TNVS units na kasalukuyang tumatakbo sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 25,495 ang nag-ooperate sa Metro Manila.