-- Advertisements --

Binigyan lamang ng tatlong araw ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magpaliwanag kaugnay ng delay na proseso ng permit ng mga nag-aapply na transport network vehicle services (TNVS).

Ayon kay ARTA director general Jeremiah Belgica, plano nilang silipin kung may korupsyon sa loob ng tanggapan.

Ito’y kaugnay ng ilang araw na pagpila ng TNVS drivers sa tanggapan ng LTFRB para sa kanilang aplikasyon.

Aabot sa 30,000 TNVS units ang nag-offline kamakailan dahil sa pahirap umanong polisiya ng ahensya sa mga aplikante.