-- Advertisements --

Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 106 na ruta para sa mga public utility vehicles (PUV) sa Metro Manila at sa Rizal para sa libreng sakay sa mga mananakay.

Ayon sa LTFRB, ang mga ruta na dadaanan ng mga PUV para sa libreng sakay ay sa Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon City, Taguig, Pasay, Pasig at Cainta sa Rizal.

Sakop din ng libreng sakay ang mga ruta ng PUVs mula sa North Luzon Express Terminal at sa Parañaque Integrated Terminal Exchange patungo sa mga lungsod.

Makikita din ang kumpletong listahan ng mga partikular na ruta ng mga PUVs na nagsasakay ng libre sa FB page ng LTFRB.

Inanunsiyo din ng ahensiya na asahan umano na mas marami pang mga ruta ng PUVs ang bubuksan sa mga susunod na araw para sa libreng sakay ng mga commuters.