-- Advertisements --
Sisilipin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang sinusunod nitong risk management plan kasunod ng nangyaring sunog sa LRT-2 Anonas station kamakailan.
Pahayag ito ni LRTA corporate board secretary Hernando Cabrera sa emergency meeting ng House Committee on Transportation nitong araw.
Tinanong kasi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang opisyal hinggil sa disaster recovery plan, na siyang sinagot naman ni Engr. Federico Canar, manager ng LRT 1 and 2 Engineering Department, at inaming walang playbook ang transit system sa pagsiklab ng sunog.
Iginiit ni Biazon na “glaring gap” para sa LRTA kung wala itong sinusunod na protocols kapag may mangyaring sunog kasi dapat lahat ng scenario ay kinokonsidera










