-- Advertisements --
Ipinatupad na ng Petron Corp. ang malakihang roll-back sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG).
Mayroong P5.90 kada kilo ang ibabawas o kabuuang P64.90 ang ibabawas sa 11-kilogram na tangke ng LPG.
Nagsimulang ipatupad ang nasabing bawas presyo kaninang 12:01 ng umaga.
Base sa pagtaya ng Department of Energy na ang presyo ng 11-kilogram na LPG cylinder ay pumapalo mula P915.75 at P1,135.75.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ng Petron ang bawas presyo sa kanilang AutoLPG ng P3.30.