-- Advertisements --
Inaasahan daw na papasok na bukas ng madaling araw ang binabantayan ng Pagasa na low pressure area (LPA) na nasa bandang Mindanao.
Ayon kay Pagasa Weather Specialist Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,225 kilometro silangan ng Visayas.
Bukas din o sa Martes posibleng maging tropical depression ang saman ng panahon.
Sakaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong bagyong Jenny.
Malaki pa rin ang posibilidad na mag-landfall ito sa Northern at Central Luzon.