-- Advertisements --

Inalerto ng Pagasa ang mga nasa low lying areas ng Central Luzon at Cagayan Valley dahil sa mga inaasahang pag-ulan at baha na dala ng low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 100 km sa silangan ng Baler, Aurora.

Kabilang sa mga makakaranas ng ulan ang Cagayan Valley, Aurora, Northern Quezon, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Bicol Region, iba pang parte ng CALABARZON at Eastern Visayas.

Maliban dito, umiiral din ang tail-end ng frontal system sa eastern section ng Northern Luzon.

Habang umiiral din ang hanging amihan sa extreme Northern Luzon.