Pumanaw na ang longtime bassist ng American rock band na ZZ Top na si Dusty Hill sa edad 72.
Kinumpirma ito ng kaniyang kasama sa banda na si Billy Gibbons kung saan nalagutan ng hininga si Hill sa kanilang bahay sa Houston, Texas.
Hindi naman binanggit nito ang sanhi ng kamatayan nito.
Sa social media post ng banda ay labis silang nalungkot sa pagkawala ng kanilang bahista.
Wala ring anunsiyo ang banda kung kanilang kakanselahin ang mga nakatakdang gig ng banda.
Mula pa noong 1969 ng binuo nila ang banda isa si Dusty sa orihinal na miyembro nila.
Bukod sa pagiging Rock and Roll Hall of Fame ay kinilala din ang banda sa iba’t-ibang mga music organizations.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Gimme All Your Lovin'”, “La Grange”, “Tush” at maraming iba pa.