-- Advertisements --

Kailangan nang magkaroon ng long-term development plan sa mga lugar sa palibot ng Taal Volcano para maiwasan ang regular na paglilikas ng mga residente, ayon sa director ng Phivolcs.

Sa isang panayam, inihalimbawa ni Phivolcs director Renato Solidum ang Mayon Volcano sa Albay, kung saan ang mga residente sa lugar na pasok sa six-kilometer permanent danger zone ay madalas na lumilikas kumpara sa mga malalayo mula sa bulkan sa tuwing magpakita ito ng aktibidad.

Kaya kailangan aniyang magkaroon na rin ng development plan kung saan ikokonsidera ang kabuhayan ng mga residente malapit sa bulkan, pero hindi mismo sa volcano island, kundi sa lakeshore lamang.

Dapat maikonsidera aniya rito ang mga hazards at matiyak na hindi gaano maapektuhan economic development sa mga komunidad malapit sa bulkan.