-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay na nang madiskubre ang katawan ng isang lolo sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Mario Cantos De Torres, 60-anyos, residente ng Reyes Subdivision, Pantoc Barangay 9 sa nabanggit na siyudad.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ang nabanggit na biktima nakita ng kanyang mga kasamang tricycle driver sa loob ng tricycle nito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na pinagtangkaan pa na itakbo ng ospital si De Torres para sa agarang lunas pero dineklara rin lang itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, base sa salaysay ng kanyang mga kapamilya, mayroon aniyang sakit sa puso ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.