NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos pagsasaksakin ng sariling anak sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Federico Relano Bocacao, 74-anyos, residente ng Sitio Balete Ilaya Brgy. Sampaloc 2 sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bigla na lang dumating ang suspeek na si Alvin Politicio Bocacao at nagkaroon ng mainit na argumento ang mag-ama sa hindi malamang dahilan.
Napag-alaman din na sa kasagsagan ng sagutan ng suspek at ng biktima, bigla na lamang sinugod ni Alvin si Federico at ilang beses na pinagsasaksak.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente, nagsapo ng mga tama ng saksak sa iba’t-iban bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad naman sanang dinala sa ospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.