-- Advertisements --

ILOILO CITY – Arestado ang isang lolo sa Barangay Poblacion, Zone 3, Estancia, Iloilo matapos mahuling nagpapataya sa laro sa NBA.

Kinilala ang naaresto na si Rob Rico, 68, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni S/Sgt Jayson Entarcigo, imbestigador ng Estancia Municipal Police Station, na hindi bababa 30 katao ang tumataya kay Rico.

Aabot daw sa P10,000 ang ipinupusta ng kanyang mga parokyano.

Sa ngayon, nakakulong si Rico at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9287 o Anti- Gambling Law. -CJY