-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang 64-anyos na babae matapos mabundol ng tatlong magkakasunod na sasakyan sa bayan ng Pili Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Benilda Ribaya, 64-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili MPS, sinabi nito na pasado alas 4:00 ng umaga ng ihatid nito ang kanyang anak sa gilid ng kalsada upang pumasok sa trabaho.

Ngunit habang pabalik na umano ang biktima at patawid na sa kalsada ng bigla na lamang itong mabundol ng isang walang ilaw na motorsiklo resulta upang aksidente rin itong muling mabundol ng dalawa pang saksakyan.

Ayon kay Lanuza, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na kinilalang si Emmanuel Dado, driver ng truck na isa sa mga nakabundol sa biktima.

Habang sa ngayon patuloy paring pinaghahanap at inaalam ang pagkakakilanlan rin ng iba pang suspek sa naturang insidente.