Mahalaga ang pagbubukas ng ekonomiya para maiwasan na lalo pang magkaroong ng bumulusok ang ekonomiya at marami ang mawalan ng trabaho, kasabay nang patuloy na rollout ng COVID-19 vaccines at pagsunod sa umiiral na health protocols.
Iginiit ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP)president Sergio Ortiz-Luis Jr. panahon na para matutunan sana ng lahat na hindi lunas sa sitwasyon ang lockdown.
Dapat aniya magkaroon ng kompromiso, at dapat isipin na mas mahalaga ang ekonomiya at dapat matuto rin mabuhay ang lahat sa COVID-19.
Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang posibilidad na palawigin ang ECQ sa Metro Manila sa susunod na tatlo pang linggo ay hindi kinukonsidera.
Sabi-sabi lang din aniya ang napapabalitang limang-linggong ECQ.
Base sa mga estimates din mismo ng pamahalaan, sinabi ni Ortiz-Luis na aabot sa P150 billion ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada linggo, o P300 billion para sa dalawang-linggo na ECQ.
Ang nawawalang kita na ito sa ekonomiya ng bansa sa kasagsagan ng ECQ ay magreresulta sa unemployment ng maraming tao.