Napili ng Collins Dictionary ang salitang “lockdown” bilang kanilang Word of the Year ngayong taon.
Ayon sa mga lexicographers o yaong mga taong nagko-compile ng dictionaries, ibinase nila ang pagpili sa “lockdown” na naging madalas na nagagamit sa gitna ng coronavirus pandemic sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa pagtaya ng nasabing Glasgow-based company, umabot sa milyong beses na paggamit sa salitang “lockdown” ngayong taon, kompara sa 4,000 beses lang sa huing bahagi ng nakaraang taon.
“It is a unifying experience for billions of people across the world, who have had collectively to play their part in combating the spread of COVID-19,” saad naman ng publisher na Harper Collins.
Para sa Collins, ang “lockdown” ay ang “imposition of stringent restrictions on travel, social interaction, and access to public spaces.”
Nabatid na anim sa “10 words of the year in 2020” ng Collins ay may kaugnayan sa global health crisis.
Kabilang pa rito ang “coronavirus”, “social distancing”, “self-isolate,” “furlough” at “key worker.”
Noong nakaraang taon, ang salitang “climate strike” ang tinanghal bilang Word of the Year ng Collins.
Ito ay iniuugnay sa global youth climate movement na pinamumunuan ng 16-anyos Swedish activist na si Greta Thunberg.
Unang nagamit ang salita noong 2015 sa naganap na malawakang kilos protesta sa sa UN conference.