-- Advertisements --

Kinokonsidera na ng Australian government ang pagtatanggal sa ipinatupad na lockdown sa buong Australia simula sa susunod na linggo.

Ito’y kasunod nang pagbaba ng local cases ng virus sa bansa at unti-unting maramdaman ang pagbagsak ng ekonomiya nito dahil sa pandemic.

Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison na nakatakda umanong magpulong ang national cabinet sa May 8 para pag-aralan kung dapat na bang tanggalin ang social distancing measures na naging dahilan para manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay ang milyon-milyong Australians.

Kinakailangan na raw kasing magsimula muli ng eekonomiya ng Australia para mapanitili ang kabuhayan ng kanilang mamamayan.

“We need to be able to move ahead,” ani Johnson.

Nakapagtala ang nasabing bansa ng halos 7,000 kaso ng COVID-19 habang 93 katao ang namatay.