-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magkasamang nag-patrolya ang mga kawani ng Philippine Coast Guard – District Southeastern Mindanao at Naval Forces Eastern Mindanao sa Davao gulf para masigurong maayos na ginugunita ng mga residente ang Easter Sunday.

Ayon sa mga opisyal, ang kanilang hakbang ay bunsod din ng ipinatutupad na enhanced community quarantine at social distancing sa buong Davao region.

Sa inilabas na resolusyon ng Regional Task Force XI COVID-19 nakasaad ang mandato ng Coast Guard at Navy forces na regular na mag-patrolya sa mga coastline ng rehiyon nang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa tabing-dagat, lalo na’t panahon ng tag-init.

May mga naka-deploy na raw na Coast Guard personnel sa Ocean View sa Samal island, gayundin na may nakabantay ding barko ng grupo sa mga pantalan ng siyudad.

Sa huling tala ng mga opisyal sa Davao region, nasa 90 ang nag-positibo sa COVID-19 namang namatay, at 50 recoveries.