-- Advertisements --
image 444

In-activate na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang local shelter cluster nito sa lahat ng mga rehiyon sa bansa na apektado bg bagyong egay.

Ito ay sa gitna pa ng paglobo pa sa mahigit 300,000 ang bilang ng mga indibidwal na apektado nitong umaga ng Huwebes dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.

Kaugnay nito maigting ng nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang concerned government agencies para maging maayos ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya lalo na sa mga na-displace nawalan ng tirahan.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang activation ng nasabing teams ay proaktibong hakbang para matiyak ang kahandaan ng concerned Regional offices para sa anumang mga kalamidad.

Ilan sa activated shelter cluster teams ay sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region at mula Region 1 hanggang Region 8 at Region 10.

Naatasan ang mga regional offices na imonitor ang lagay ng panahon sa kani-kanilang hurisdiksiyon at bilang tugon sa epekto ng bagyo, naatasan din ang regional offices na tumulong sa emergency response at humanitarian assistance.

Top