Wala pang pinal na listahan ang Commission on Elections (Comelec) sa maituturing na areas of concern.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez na binebirpika pa rin nila sa ngayon ang listahan na isinumite sa kanila ng Philippine National Police (PNP).
Posible kasing mabago pa ang kategorya ng isang lugar.
Paliwanag ni Jimenez, hindi maaring pagbasehan lang ang kasaysayan ng isang lugar para matukoy ito na areas of concern.
Kailangan kasing makita raw muna kung bumuti na ang sitwasyon ng mga magkakalaban dito at kung may banta ng mga armadong grupo.
Samantala, sinabi naman ni PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Ferdinand Divina, na may 105 na bayan at 15 siyudad ang tinuturing nila na areas of concern.
Wala pang petsa kung kailan mailalabas ang pinal na listahan ng areas of concern pero sinabi ng Comelec na inaasahan na mailalabas ito sa mga susunod na araw.