Kinumpirma ni Japan Prime Minister Sanae Takaichi na umakyat na sa 30 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa malakas na magnitude 6.8 na lindol na tumama sa southwestern Japan.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang rescuers sa paghahanap sa mga survivor sa lindol na tumama sa Kumamoto prefecture sa Kyushu island noong Martes, Hulyo 28.
Karamihan sa mga biktima ay mga Hapon at isang Vietnamese citizen habang may 62 iba pang indibidwal ang nagtamo ng injuries.
Ilan sa mga nasawi ay mga nagtratrabaho sa Aeon shopping centre sa Kashima, na gumuho ang ilang parte at sinundan ng pagsabog isang oras matapos tumama ang lindol at puminsala sa mall.
Ayon sa presidente ng shopping center, posibleng gas explosion ito subalit kasalukuyang iniimbestigahan pa ang ugat ng pagsabog.
Nasa 9,000 residente naman ang na-displace, na inilikas at kasalukuyang nananatili sa evacuation centers, bagamat hamon din sa kanila ang mainit na panahon ngayon sa rehiyon.
Mayroon ding mahigit 30,000 households ang nawalan ng kuryente noong Miyerkules kasunod ng lindol.
Nakapagtala naman na ng mahigit 100 aftershocks simula nang tumama ang main quake.














