-- Advertisements --

Inaasahang tatagal hanggang Agosto na magiging limitado ang supply ng kuryente sa bansa dahil sa manipis na operating margin.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ito ay bunsod nang extended outage sa ilang power plant.

Kaya naman umaapela ang NGCP sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.

Ito ay para maiwasan na rin ang posibleng power interruption ngayong tag-init, kasunod nang nauna nang pagtaya ng Department of Energey na inaasahang tataas ang demand ng kuryente, partikular na sa Luzon, sa darating na Mayo.

Umaapela rin ang NGCP sa pamahalaan na silipin din ang sitwasyon sa kuryente sa panahon ng tag-init dahil limitado lamang daw ang kakayahan ng kompanya pagdating sa power generation.