-- Advertisements --
image 474

Limang mga grupo na ang nagpahayag ng kanilang interest na makipag-bid para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay batay sa pinakahuling report ng Department of Transportation, kasabay ng nakatakdang pre-bidding conference ngayong linggo.

Ang mga nasabing kumpanya ay pawang naka-base dito sa Pilipinas.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Baustista, ang ang mga nasabing kumpanya ay una nang kumuha ng bid documents mula sa DOTr, at inaasahang mkikibahagi sa pre-bid conference na nakatakdang ganapin sa Sept 22, 2023.

Inaasahan aniyang makakatulong ng malaki ang sinumang mananalong kumpanya upang lalo pang maayos ang pangunahing airport ng Pilipinas.

Paliwanag ni Sec. Baustista, upang makatugon sa international standards na inilatag ng International Civil Aviation Organization, kailangan ng tulong ng pribadong sektor.

Maalalang unang inaprubahan ang NAIA modernization program ngayong taon, kung saan target ng pamahalaan na makakuha ng tulong mula sa pribadong sektor, para sa rehabilitasyon ng naturang airport.

Kabilang sa mga target na uunahin dito ay ang pagtaas sa kapasidad ng mga pasahero, infrastructure development, at mas mataas na kalidad ng mga teknolohiyang ginagamit sa ilalim ng naturang paliparan.