Kinumpirma mismo ng Department of Justice na mayroon pang limang respondents ang nadagdag sa mga sinampahan ng kaso kaugnay pa rin sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong nitong Marso ng nakaraang taon.
Sa isang pahayag,sinabi ni Justice Spokesperson Mico Clavano , ilan sa mga bagong respondents ay nagsilbi umanong lookouts, habang ang ilan naman yay sumama sa pagbili mga kakailanganing kagamitan at sasakyan na ginamit sa pagpatay kay Degamo.
Ayon kay Clavano, mas maliwanag na ngayon ang buong larawan sa buong plano ng assassination.
Sa ngayon ay hindi pa rin aniya naaaresto ang limang suspect bagamat nasampahan na ito ng mga kaukulang reklamo kasabay ng paghahain ng murder complaint kay suspended Representative Arnolfo Teves Jr.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 17 respondents ang hawak ng mga kinauukulan na may kaugnayan sa Degamo Slay Case.