-- Advertisements --

Isinusulong Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan ang panukalang batas na layuning mabigyan ng lifetime validity ang mga PWD Card na ginagamit ng mga Persons Deprived of Liberties.

Ito ay sa pamamagitan ng House Bill 8440.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng panghabambuhay na validity ang mga nasabing card, mula sa tatlong taong validity nito sa kasalukuyan.

Ayon sa Kongresista, lalo pang mapapagaan ang buhay ng mga PWD kung ito ay maisasabatas dahil sa hindi na nila kailangan pang mag-renews ng kanilang card kada-taon.

Aatasan naman ang National Council on Disability Affairs na makipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at iba pang stakeholders, para makabuo ng mga regulasyon na susundin, para sa pagpapatupad dito.

Batay sa kasalukuyang batas sa bansa, ang mga PWD’s ay nabibigyan ng 20% discount sa gamot, diagnostic, laboratory, hotel, restaurant, fare, at iba pa. Ito ay basta magpakita ang mga ito ng kanilang PWD Card.