-- Advertisements --
image 188

Posibleng maharap sa life inprisonment at multang mula P500,000 hanggang sa P10 million si Juanito Jose Diaz Remulla III, anak ni Department of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla matapos mahulian ng kush o high grade shabu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesperson Director Derrick Carreon, sinabi nitong nahaharap ang nakababatang Remulla sa kasong importation of drugs o paglabag sa Section 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod pa dito ay nasampahan na rin ito ng kasong paglabag sa Section 1401 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Sinabi ni Carreon na sumalang na kahapon sa inquest proceedings sa Las Pinas City si Remulla matapos sampahan ng kaso.

Nahulian si Remulla ng high grade kush ng halos isang kilong high grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.3 million.

Dumating daw ang parcel na nakapangalan kay Remulla mula sa ibang bansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA detention facility nila si Remulla at hihintayin nila ang kautusan mula sa korte.

Naaresto si Remulla dahil sa pagkustodiya ng kush o tinatawag na mga high grade marijuana.

Magugunitang tiniyak ng ama nitong si DoJ Secretary Remulla na hindi ito makikialam sa kasong kinakaharap ng anak.