Namahagi ang tanggapan nina House Speaker Fedinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ng tig P3,000 cash assistance sa mahigit 600 na biktima ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Nagkaloob din ang office of the House Speaker ng tig limandaang libong pisong calamity fund sa mga lalawigan ng first congressional district sa pangunguna ni Cong. Arnan Panaligan.
Mula ang P3,000 cash aid sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program ng DSWD.
Mismong ang tanggapan ng House Speaker at nina Tingog Partylist Rep. Romualdez at Rep. Jude Acidre ang nag-ayos upang mairelease ang pinansyal na ayuda na ipinamahagi sa mga oil spill victim.
Sinabi naman ng maybahay ng House Speaker na si Congw.Romualdez, na batid niyang di sapat ang financial aid upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong residente, ngunit umaasa siya na kahit papano’y maibsan nito ang kinakaharap nilang hamon dahil sa insidente.