-- Advertisements --

Papayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Professional Regulation Commission (PRC) na magsagawa ng locensure examination sa unang tatlong buwan ngayong taon.

Noong nakaraang taon ay pansamantalang ipinagpaliban ng PRC ang licensure examinations na nakatakda sana noong Oktubre hanggang Disyembre upang maiwasan ang mass gatherings.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, aprubado na ang kahilingan ng PRC na magsagawa ng licensure examinations for professionals simula Enero hanggang Marso 2021.

Ilan sa mga PRC exams na nakatakdang isagawa sa unang quarter ng taon ay para sa mga medical technologists, architects, veterinarians, physical therapists, geologists, psychologists, mechanical engineers, graduates ng medicine, at mga guro.

Makikita ang kabuuang listrahan ng PRC exams sa kanilang official website.

Una nang sinabi ni PRC Chairman Teofilo Pilando Jr na tinitingnan na ng commission na gawin na lamang online ang pagsusuri kaysa sa nakasanayang pen-and-paper test upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.