-- Advertisements --

Inilagay na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Single Crisis Alert Level 3 ang Libya.

Ito ay dahil sa bahagyang bumuti ang sitwasyon sa lugar kahit na nananatiling magulo agn political at security situation sa lugar.

Nangangahulugan lamang nito na magiging boluntaryo ang repatriation sa mga Pilipinong nagtatrabaho doon.

Magugunitang noong 2019 ng itaas sa Tripoli at iba pang lugar na sakop ng 100-kilometer radius ang Alert Level 4 at Alert Level 3 naman sa mga lugar na sakop ng 100-kilometer radius sa Libya dahil sa kaguluhan.