
Maari pa umanong palawigin pa hanggang sa susunod na taon ang libreng ridership program ng Department of transportation (DOTr) dahil ang pondo para dito ay kasama sa panukalang 2023 budget.
Ayon kay Senator Sonny Angara, Ipagpapatuloy umano ang serbisyo ng ‘Libreng sakay’ ng gobyerno na pinanungunahan ni Senator Grace Poe.
Tinututukan rin nila ang ayuda sa mga tsuper, operator ng PUV, at tricycle para na rin tulong sa mga pasahero at mga drivers ng mg sasakyan.
Ilan lang umano ito sa mga programa ng pamahalaan na pinapalawig pa ng gobyerno, kasama na ‘yung mga fuel voucher, dahilan na rin ng pagtaas ng gasolina noong mga nakaraang buwan, ito rin ay para matulungan ang mga pangkaraniwang mamamayan sa pang araw araw na hanap buhay.
Matatandaan na sinabi ni Department of Transportationn Mark Steven Pastor na humiling ang ahensya ng P12 bilyon para sa pagpapatuloy ng programa sa 2023 na nagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter at nagbibigay incentives sa mga driver at operator ng public ulitity vehicle (PUV).
Ang Libreng Sakay program ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inilunsad noong huling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act upang matulungan ang mga commuter at ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon na apektado ng pandemya.
Sa ilalim ng service contracting program, ang mga operator at driver ng PUV na lumahok sa libreng ridership program ng gobyerno ay makakatanggap ng isang beses na payout at lingguhang bayad batay sa bilang ng mga kilometrong binibiyahe kada linggo, may pasahero man sila o wala.
Ipinagpatuloy naman ng Department of transportation ang pagpapatupad ng programa noong 2021 at 2022, Magsisimula ang libreng sakay sa unang araw ng disyembre dahil na rin sa Christmas season at adjsuted mall hours.










