-- Advertisements --

Inihinto na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang inilunsad nitong programang ‘libreng sakay’ para sa mga drayber ng jeep at komyuter sa lungsod.

Sa anunsyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, kanyang sinabi na wala munang ‘extension’ ang naturang programa simula ngayong araw, ika-9 ng Abril at sa mga susunod na araw.

Kahapon kasi, araw ng Miyerkules ang pang-limang araw o pang-isang linggo ng Libreng Sakay mula nang simulan noong Lunes Santo ng Semana Santa.

Alinsunod ito sa layon buuin ng lokal na pamahalaan gawing isang linggo ang implementasyon nito sa lugar ng Maynila.

Paliwanag ni Mayor Isko Moreno na ito’y inihinto muna sa ngayon upang magbigay daan na mapag-aralan at masuri ang naging epekto ng programa.

Nais aniyang matukoy ang mga susunod na hakbang para matiyak magiging mas episyente ang pagpapatupad nito at mas marami ang makinabang.

Kung maaalala, ang implementasyon ng libreng sakay sa Maynila ay ginawa upang magsilbing tulong sa mga drayber, operator at komyuter apektado sa kinakaharap na krisis sa gasolina.

Binigyan ang mga drayber o jeep na kalahok na sa programa ng tig-apat na libong piso kada na babyahe at magsasakay ng libre sa lungsod.

Umabot sa higit kalahating milyon pasahero ang napagserbisyuhan ng ‘libreng sakay’ sa iba’t ibang ruta ng jeep sa Maynila.

Pagtitiyak naman ng alkalde na patuloy magsasagawa ng mga hakbang ang pamahalaang lungsod para maituloy ang pagtulong lalo na sa mga apektado ng krisis.