-- Advertisements --
image 55

Makakasakay ng libre ang mga menor de edad sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa araw ng Lunes, Nobiyembre 6 kasabay ng pagdiriwang sa National Children’s Month.

Ito ang inanunsiyo ng National Council for the Welfare of Children kung saan libreng makakasakay ang mga pasaherong minors sa pagitan ng alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 naman sa hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang mga saklaw dito ay ang mga batang nasa grade school hanggang senior high school o 18 anyos pababa.

Hindi naman kasama sa libreng sakay ng tren ang mga kasama ng minors na mga adult.