-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinalawak pa ng United Arab Emirates (UAW) ang pagsasagawa ng rapid COVID-19 test sa mga residente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa OFW na si Honey Grace Peña na tubong Daraga, sinabi nito na umaabot sa 10,000 tests ang isinasagawa sa UAE kada araw sa pamamagitan ng rapid COVID-19 test.

Layon ng naturang hakbang na maabot ang lahat ng nais na magpasuri sa gitna ng banta ng nakakamatay na sakit.

Inaabot lamang ng hanggang 10 minuto ang naturang test kaya mabilis ding nailalabas ang resulta nito. 

Maliban pa rito, nakalatag rin sa mga pampublikong kalsada ang mga teams na nagsasagawa ng disinfection sa mga dumadaang tao at sasakyan. 

Ayon kay Peña, pinapayagan naman ang mga residente na makalabas ng bahay pero dapat dala-dala palagi ang quarantine pass na online rin makukuha.