Bumalik umano ang sigla ni Dr. Anthony Fauci ngayong si US President Joe Biden na ang bagong pangulo ng kanilang bansa.
Sa kaniyang unang pagharap sa media, ikinatuwa nito ng infectious disease specialist ang naging pahayag ng Democratic president na ang kaniyang national strategy laban sa COVID-19 ay komprehensibo dahil nakabase ito sa siyensya at hindi sa politika.

Tinawag ni Fauci, 80, na “liberating feeling” ang sinabi ng bagong pangulo ng Amerika lalo na kung siyensa ang susundin sa laban kontra sa deadly virus.
“The idea that you can get up here and talk about what you know, what the evidence, what the science is … let the science speak,” ani Dr. Fauci. “It is somewhat of a liberating feeling.”
Tiniyak naman ng chief medical adviser, na nagsilbi rin ng pitong mga presidente ng Amerika, na magiging transparent sila, open at honest sa magiging sitwasyon sa kanilang bansa kaugnay sa kaso ng coronavirus disease.
“I take no pleasure at all in being in a situation of contradicting the president.”
Napag-alaman na pinaghahandaan ngayon ng Biden administration ang kanilang vaccination campaign upang makamit ang target na makakuha ng 100 million doses ng bakuna para sa 50 million katao na nangangailangan ng bakuna.
Ang Amerika ang numero uno ngayon sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 at mga namatay. (with reports from Bombo Jane Buna)










