-- Advertisements --

Maaring bumili ang mga lokal na pamahalaan ng kanilang sariling supplu ng coronavirus vaccines na ituturok naman sa kanilang mga constituents na hindi kasama sa priority population ng vaccination program ng national government.

Sa Laging Handa briefing kaninang umaga, sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na ilang mga LGUs ang naglaan na ng pondo para sa pagbili ng kanilang COVID-19 vaccines.

Ang kasama lamang kasi sa mga prayoridad ng vaccination plan ng national government ay ang mga medical frontliners, senior citizens, indigent Filipinos, at mga uniformed personnel.

Sa ngayon, umaasa ang pamahalaan na makakarating ng bansa sa first quarter ng susunod na taon ang vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ng China.

Nabatid na 2.6 million doses na rin ng bakuna mula sa British drugmaker na AstraZeneca ang nakuha ng Pilipinas, na inaasahan namang makakarating ng bansa sa second quarter ng 2021.