CENTRAL MINDANAO-Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Midsayap Cotabato sa pamumuno ni Mayor Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan sa pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo.
Ang Buwan ng Nutrisyon ay isang taunang kampanya na ginaganap tuwing Hulyo upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga Pilipino patungkol sa kahalagahan ng nutrisyon na itinala sa ilalim ng Presidential Decree 491, o ang Nutrition Act of the Philippines.
Sa kaniyang mensahe sa isinagawang simpleng programa, sinabi ni Mayor Sacdalan na “Ang kalusugan natin nag sisimula sa ating kinakain.
“ My leadership will ensure support to ensure that all Midsayapenyo will have access to better nutrition and health care services. I encourage everyone to take on a healthy lifestyle starting with what we eat”.
Tema ng selebrasyon ay “New Normal Na Nutrisyon, Sama-Samang Gawan Ng Solusyon!”.