-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Sumisigaw ng hustisya sa ngayon ang pamilya ng isang lending collector na sinilaban-patay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Arakan, North Cotabato.
Kinilala ng Arakan PNP ang biktima na si Jeric Uyanguren Ferolino, 22-anyos at residente ng Tagum City.
Nangyari ang insidente sa Sitio Kiatoa, Barangay Lanao Kuran, Arakan, dakong alas-3:00 ng hapon.
Nasa lugar umano ang biktima upang maningil sana pero ito ang kanyang sinapit sa kamay ng mga hindi pa rin matukoy na mga suspek.
Sabay na sinilaban ang motorsiklo at ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.