-- Advertisements --

Pumanaw na ang wrestling legend na si The Iron Sheik sa edad na 81.

Kinumpirma ng kaniyang kampo ang pagpanaw ng WWE Hall of Famer.

Isinilang sa Iran noong 1942 bilang si Hossein Khosrow Ali Vaziri sa tunay na buhay.

Siya ang unang matinding katunggali ni Hulk Hogan sa wrestling.

Noong 1983 ay tinalo niya si Bob Backlund para makuha ang titulo.

Naging WWF Tag Team champion ito kasama si Nikolai Volkoff noong 1985.

Taong 2005 ng tanghalin siya bilang WWE Hall of Fame ni Sgt. Slaughter ang matagal niyang karibal at dating kasama sa WWE.