-- Advertisements --

Pumanaw na ang legendary frontman at co-founder ng The Beach Boys na si Brian Wilson sa edad na 82.

Inanunsiyo ito ng kaniyang pamilya at hindi nagbigay pa ng anumang detalye.

Nanawagan din ang pamilya ng privacy at bigyan sila ng oras ngayong panahon ng kanilang pagluluksa.

Isinilang noong 1942 sa Hawthorne, California, kung saan binuo niya ang grupo kasama ang nakakabatang kapatid na sina Carl at Dennis ganun din ang pinsan nilang si Mike Love at kaibigan na si Al Jardine.

Itinuturing na isa sa mga pinakamatagumpay na rock bands sa US kung saan mahigit 100 milyon records ang kanilang naibenta sa buong mundo.

Ilan sa mga kanta na pinasikat ng grupo ay ang “I Get Around”, “Help Me, Rhonda” at “Good Vibrations”.

Taong 2024 ng inamin ni Wilson na ito ay nadiagnosed ng dementia.