-- Advertisements --

Muling naglabas ang OCTA Research group ng kanilang survey, pero nakatutok naman ito sa ngayon sa mga senatorial candidates para sa 2022 elections.

Base sa resulta ng naturang survey, lumalabas na si House Deputy Speaker Loren Legarda ang nakasungkit ng number 1 spot sa pagitan ng mga tumatakbo sa pagka-senador.

Nakakuha si Legarda ng 66 percent ng mga boto mula sa 1,200 respondents, na nakibahagi sa survey na isinagawa noong Pebrero 13 hanggang 17.


Nakakuha rin siya ng 100 percent awareness mula naman sa mga botante.

Pumapangalawa kay Legarda sina Raffy Tulfo at pangatlo naman si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na may 63% at 61% bawat isa.