-- Advertisements --

Hindi bumaba ang ranking ni House Deputy Speaker Loren Legarda sa latest Pulse Asia Survey na isinagawa noong Enero 19 hanggang 24, 2022.

Nakuha ni Legarda ang second spot sa naturang survey, kapareho ni dating Speaker Alan Peter Ceyatano.

Si Legarda ay nakakuha ng  99 percent awareness ng mga botante, at may 58 percent na voting preference sa mga botante.

Mababatid na si Legarda ang tanging babaeng mambabatas na nagsilbing Senate majority leader sa kanyang termino.

Siya ay kilala sa pagiging Environmental Champion, Peace building at masugid na nagsusulong sa boses ng mga indigenous people.